Paggamit

DEMO ONLY

Enagic® International Distributor

+1 (555) 222-1111

Gumawa ng tubig na gusto mo sa isang pindot lamang ng buton!

Mag-click sa mga buton upang marinig na umaandar ang Kangen machine SD501! Ang madaling gamiting LCD kasama ang audio guidance ang nagpapagaan sa paggamit ng machine na ito!

Ang electrolysis ay ang proseso na naghihiwalay sa tubig patungong alkaline at asidikong tubig. Ang pH level ang nagtatakda kung aling uri ng tubig ang lilikhain.

Matuto nang higit tungkol sa bawat uri ng tubig:

Matapang na Kangen Water pH: 11.0 at pataas

Matapang na Kangen Water

Ang matapang na Kangen Water ay nagpepreserba sa kalinisan ng katawan sa pang araw-araw na pamumuhay dahil sa malakas na epekto nito sa paglinis. Mayroon itong mga benepisyo sa pagtunaw at pagpapainit.

Preparasyon ng pagkain
Nililinis ang mga gulay at isda. Pinasasarap ang lasa ng broccoli, sibuyas, labong atbp. sa pamamagitan ng paunang pagpapakulo sa mga iyon sa Matapang na Kangen water.
Paglilinis
Nililinis ang mga tadtaran at pamunas ng pinggan. Mahusay sa paglilinis ng langis at matibay sa dumi ng mga pasingawan, gayundin para sa pangkalahatang paglilinis sa kusina.
Pantanggal ng Mantsa
Ang dagdag na tapang ay nagtatanggal sa mga mantsa ng kape, toyo at langis. Napakahusay din sa pag-alis ng hindi matanggal na mantsa sa inidoro.
Mga pinggan
Gumagamit nang mas kaunting sabon kapag naghuhugas ng mga pinggan. Makakatipid sa bayarin sa tubig, dahil sapat na ang isang-katlo hanggang isang-kapat na karaniwang dami ng tubig sa pagbabanlaw sabon.

Kangen Water® pH: 8.5 - 9.5

Dahil may pH na 8.5-9.5, ang tubig na ito ay perpekto para inumin at sa masustansyang pagluluto. Gumagana ito upang ibalik ang iyong katawan sa pagkakaroon ng mas maraming alkaline, na nagpapabuti nang husto sa kalusugan.

Inumin

Uminom muna ng 2-3 tasa ng tubig sa umaga. Kumpara sa tubig sa gripo, ang Kangen Water® ay walang masamang amoy, mas magaan ang lasa, at may kaaya-ayang tamis sa lasa.

Mahalagang isama ang mga gulay sa iyong diyeta, kapag kumakain ng maraming asidikong pagkain katulad ng pula ng itlog, puting bigas, manok, baboy at baka, ang paginom ng alkaline Kangen Water® ay kasing halaga dahil binabalanse nito ang epektong asidiko at alkaline ng mga pagkaing ito.

Preparasyon ng pagkain
Gamitin ang Kangen Water® upang tanggalin ang masamang lasa ng mga sibuyas, labong, o mga katulad nito. Ibabad ang atay at mga karne na may masamang amoy sa Kangen Water® nang 20-30 minuto upang mabawasan ang masangsang na amoy.
Bigas
Gamitin ito para sa paghuhugas at pagluluto, masarap at malagkit ang bigas bilang resulta.
Kape at tsaa
Kung saan ang lasa at amoy ay mahalaga, masusorpresa ka sa mas magandang kulay, lasa at amoy. At maaari mong tabangan ang kape o tsaa ngunit makukuha pa rin ang kumpletong lasa dahil sa kakayahan ng tubig na kunin ang katas nito.
Mga sopas at nilaga
Inilalabas ng Kangen Water® ang lasa ng mga sangkap upang maging malambot at makatas ang mga iyon. Kaya kaunting panimpla tulad ng asin at toyo lamang ang kinakailangan, kaya mabuti ang tubig na ito para sa mga taong nais bawasan ang kinakain nilang asin.
Mga halaman
Ginagamit na pandilig sa mga halaman at bulaklak. Kangen Water® para sa karasiwaan at buhay ng mga halaman.
Mga hayop
Nagbibigay ang Enagic® Water ng napakabuti, at likas na alternatibo para sa mga produkto para sa mga alagang hayop. Gumawa ng sarili mong shampoo para sa alagang hayop gamit ang Beauty Water, Kangen Water®, o Neutral Water, depende sa angkop na antas ng pH ng balahibo ng iyong alagang hayop. Humingi ng payo sa beterenaryo mo sa pagpili ng tamang tubig para sa iyong alaga.
Mga craft
Napakahusay na pagtitina ng mga damit, gayundin sa iba pang craft projects. Magugustuhan mo ang matitingkad na kulay na makukuha sa paggamit ng tubig na ito.
Sapat na tubig sa katawan
Ibinibigay sa iyo ng Kangen Water® ang pinakasapat na tubig sa katawan. Mahalaga ang pagpapanatili ng sapat na tubig sa katawan sa pamumuhay nang malusog at pagkakaroon ng balanseng buhay.
Mga mineral
Naglalaman ang Kangen Water® ng mga mineral na calcium, sodium, potassium, at magnesium. Di tulad ng reverse osmosis, na nagtatanggal kahit na sa mga nakakatulong na mineral, ang mga ito ay hindi nasasala sa Kangen Water®!

Malinis na Tubig pH: 7.0

Malinis na Tubig

Nagtatanggal ng chlorine, kalawang at kalabuan upang lumikha ng masarap na inuming tubig. Ang tatlong suson ng malakas na pansala na naglilinis ng tubig ay hiindi lamang nagtatanggal ng chlorine kundi maging mga bagay tulad ng kalawang at mga dumi. Makukuha mo ang masarap at malinis na tubig na naglalaman ng mga mineral.

Medikasyon
Magandang ideya na gamitin ang tubig na ito kapag umiinom ng gamot.
Pagkain ng sanggol
Gumamit ng Malinis na tubig kapag naghahanda ng gatas ng bata.

Asidikong Tubig pH: 6.0 - 4.0

Asidikong Tubig

Kilala ang bahagyang asidikong tubig na ito sa epekto nitong nagpapahilom. Napakahusay nitong gamitin sa banayad na paglilinis at pangangalaga sa kagandahan.

Panghilamos sa mukha
Ang katangiang nagpapahilom ng asidikong tubig ay epektibo sa pagpapalusog at pagpapatibay ng iyong balat. Dampian ang balat at hayaang matuyo. Napakahusay din na toner pagkatapos mag-ahit.
Pangangalaga sa buhok
Gamitin ito sa halip na rinse pagkatapos mag-shampoo. Binabawasan nito ang nakakainis na pagkakabuhol-buhol at nagpapakintab nang husto.
Tubig na pampaligo
Magdagdag ng asidikong tubig sa iyong pampaligo upang mapanatiling walang mantsa nang guhit ang iyong bathtub. Ang paliligo sa tubig na ito ay nagpapainit sa katawan at nagpapanatili sa magandang balat.
Pangangalaga sa alagang hayop
Napakahusay sa paglilinis ng alaga mong hayop, suklayin kasama nito at makukuha ang malambot at makintab na balahibo.
Rinse cycle
Ang pagbabad sa asidikong tubig bago ang spin cycle ay magpapalambot sa mga damit mo.
Pagluluto ng beans
Lulutuin nito nang perpekto ang iba't ibang uri ng beans katulad ng kidney beans at green peas. Ingatang sumobra ang pagkaluto dahil pinabibilis ng Asidikong tubig ang oras ng pagluluto.
Paghuhubas ng mga gulay at prutas
Ang matitingkad ng kulay ng strawberry, pulang repolyo, asparagus at talong ay hindi magbabago kapag hinugasan at inihanda gamit ang tubig na ito.
Pritong pagkain
Lalabas na maganda at malutong ang pritong pagkain kapag Asidikong tubig ang inihalo sa batter.
Frozen food
Wisikan ang mga pagkain ng Asidikong tubig bago ilagay sa freezero upang hindi mawala ang lasa ng pagkain katulad ng isda, hipon kapag natunaw na.
Mga mantsa
Para tanggalin ang mga mantsa, dungis, at grasa iwang nakababad sa tubig nang 24 na oras.
Mga pinggan
Kapag naghuhugas ng pinggan at baso gamit ang tubig na ito, magiging malinis na kumikinang ang mga iyon.
Pagpapakintab
Pakintabin nang husto ang mga salamin, salamin sa mata, mga bagay na gawa sa bubog at bintana.
Paglilinis ng bahay
Tanggalin ang dumi mula sa mga sahig na yari sa matigas na kahoy, ceramic tiles atbp, nang hindi nag-iiwan ng malagkit na latak.

Matapang na Asidikong Tubig pH 2.7 at pababa

Matapang na Asidikong Tubig

Ang tubig na ito ay may mga katangian sa pag-aalis ng mikrobyo. Gumamit ng Matapang na Asidikong Tubig upang isterilisahin ang mga kagamitan sa kusina, ibabaw ng counter, atbp. upang panatilihin ang mga lugar na ito na ligtas at malinis.

Paglilinis at pag-isterilisa
Isterilisahin ang mga kutsilyo, tadtaran, pamunas ng pinggan, at basahan sa kusina atbp. Para sa mas mahusay na epekto ng paglilinis, maglinis gamit ang Matapang na Kangen water bago gamitin ang Matapang na Asidikong tubig. Dahil sa matapang na asido, dapat punasan agad ng tuyong basahan ang bakal na madaling kalawangin.
Kalinisan ng katawan
Gumamit ng Matapang na Asidikong Tubig upang hugasan ang mga kamay, at linisin at isterilisahin ang paligid ng paliguan.
Pang-negosyo
Ang mga beauty salon, hair salon, restawran, kolehiyong pang-agrikultura, daycare center, pet shop at nursing home ay makikinabang nang husto sa paggamit ng Matapang na Asidikong Tubig.
Accept Decline Close
close This is a customizable short message to your website visitors.